Mensahe ni Kapitan Ang ating bansa ay patuloy na nahaharap sa iba’t ibang suliraning panlipunan. Subalit sa kabila ng lahat ng ito, ang Bayan ng Kalayaan ay nananatiling matatag, nagkakaisa at may pananalig sa ating Dakilang Lumikha upang patuloy na magpunyaging umunlad. Ipinagmamalaki ko na ang Barangay San Juan ay patuloy na nagiging mahalagang kabahagi at katuwang ng ating Pamahalaang Bayan sa pagsusulong ng mga programa at proyektong mag-aangat sa antas ng pamumuhay ng ating mga kababayan sa dito sa ating bansa at sa ibang panig ng mundo. Sa loob ng isang sentinaryong lumipas, nananatili ang katatagan at pagkakaisa ng mga mamamayan para sa mas mapagpunyaging bayan ng Kalayaan sa mga susunod pang dekada.
Sa ngalan ng buong pwersa ng Barangay San Juan, mga kagawad, mga kawani, at kasapi, at ng aking pamilya nais kong ipaabot ang malugod na pagbati at pakikiisa sa ika-100 taong pagkakatatag ng ating bayan ng Kalayaan. Pagsaluhan at ipagdiwang natin ang sentinaryong mga pagsisikap at pagbabayanihan para sa ating pinakamamahal na bayan.
Umasa po kayo na patuloy ang matapat at dekalidad na serbisyo ang ihahatid namin upang mabigyang-katuparan ang lahat ng ating mga pangarap para sa ating bayan.
Mabuhay ang Barangay San Juan! Mabuhay ang Bayan ng Kalayaan!
Message of Barangay Captain of San Juan, Kalayaan written by Rolly Caidic for the 100th Year Anniversary Souvenir Book
No comments:
Post a Comment