Search here!

Custom Search

About Me

Monday, February 2, 2009

Nung maconfine si nanay

Bata p ako nung mamatay si tatay mga grade 3 sa pagkakantanda ko at malaki pagkawala nya sa aming pamilya..

Sa musmos kong pag akap sa aming kalagayan nagkaroon ako ng takot para sa aking nanay.. Tila ginulat ako sa katotohanang maari itong mangyari sa kanya o sa kahit na sinong aking mahal sa buhay..

Ayaw kong aminin sa sarili kong mangyayari ito pwedeng ngayon, pwedeng bukas o pwedeng sa susunod na panahon pero sa aking pagkukubli sa isip ay lumalabas naman sa aking kilos at gawa..

Tuwing gabi sinasadya kong di agad matulog at bagkus ay hihintayin ko munang mauna matulog ang aking nanay.. Sa kanyang pagkakahiga at mahimbing na pagkakatulog ay dahan dahan kong lalapitan at tititigan ang kanyang dibdib..

Tanong ko pa sa sarili ko noon kung humihinga ba siya? Tumataas baba ba ang kanyang dibdib senyales na siya ay maayos n humihinga? Di pa ako makukuntento at dahan dahan akong lalapit at itatapat ang aking darili sa kanyang ilong upang maramdaman ang hangin n lumalabas pasok sa kanyang baga.. Tinangka ko pang pakinggan ang pagtibok ng kanyang puso ngunit bigo akong magawa ito sapagkat natatakot akong magising si nanay.. Di ko alam ang isasagot ko kung sakaling mahuli nya ako sa ginagawa ko..

Kasabay noon ang aking pagtitig ng mariin sa itsura ng aking ina at tila kinukumbinsi kong masigla at buhay n buhay ang aking nanay sa mga sandaling iyon.. Ilang minuto ko ito ginagawa gabi gabi bago matulog noong bata pa ako.. Tila pilit kong kumbinsihin ang sarili kong di n pwede maulit ang nangyari sa aking tatay at sa murang edad ko ay iyon na ang tanging paraan kong magagawa upang masiguradong di na maaring mangyari uli ang katotohanang tumatakot sa akin..

Simula noon namulat n ako sa katotohanang ang buhay ay mayroong hanganan.. Binuksan nito ang aking murang isip sa reyalidad na walang kasiguraduhan ang bukas at ang mga susunod na araw.. Nabatid kong mas mahalaga ang kasalukuyan kumpara s hinaharap at mas dapat kong pahalagahan ang pagkakataong ngayon na aking tinatamasa..

Sa murang isipan kong iyon lahat bumungad sa aking ang mga karanasang pilit magpahinog sa aking katauhan at gayundin kung paano ko tingnan ang buhay..

Sa pagkakataong ito ay nakaharap muli ako sa aking nanay.. Tila bumalik ako sa aking pagkabata at parang musmos n nakatitig sa kanyang pagkakahiga sa kama ng hospital.. Bumabalik ang multo ng aking nakaraan.. Muli kong kinukumbinsi ang sarili kong may magagawa na ako.. Di na ako tulad ng dating napakamurang edad at halos walang magawa kundi ang tumitig at magbantay sa pagkakahimbing na tulog ng aking nanay..

Siguro nga ngayon ay mas matapang na ako at mas siguradong kayang harapin ang hinaharap.. Nagbago na nga ako ngayon pero isa parin ang katotohanang di ko malulusutan.. Ito ay ang reyalidad na hindi nagbabago ang panahon.. Ang aral ng kahapon ay buhay na buhay at nagbabanta sa akin..

Ginigising ako ng aking ulirat na maaring di pa huli ang lahat.. Mayroon pa akong magagawa sa upang iliko ang hamon ng buhay.. Nanlalamig ang aking talampakan at parang magpapawis ang aking kamay.. Kilos! Kabog ng aking dibdib.. Kilos! Sigaw ng aking isip.. Kilos! utos ng aking katawan..Nagkakasundo ang tatlong bulong sa aking kalooban.. Kailangan ko nang kumilos at gumawa ng paraan.. Hindi simpleng pagkakataong lamang ito na mapunta sa hospital ang aking nanay.. Ito ay isang maagang pagbabadya ng maaring kaharapin ko balang araw..

Yayakapin ko na ang hamon ng kasalukuyan... paghahandaan ko na ang banta ng hinaharap.. Marahil totoong walang kasiguraduhan ang bukas ngunit kaya ko pa itong baluktutin at iligaw..




Sent from my iPhone

Your Horroscope