Search here!

Custom Search

About Me

Sunday, June 6, 2010

Special child



Kung iisipin ano nga ba mapapala ko sa panonood ng mga special child sa plaza.. Naimagine ko lang di naman nakakamangha makikita ko dun.. Pero dala ng aking curiosity at pagkabagot sa bahay sinubukan kong sumilip sa plaza tutal malapit lang kame dun at ilang araw nren naririnig ko un sa ate ko na iba iba daw pinapalabas nila sa entablado..

Bumungad sa aking ang iba iba itsura ng special child.. May ilang masaya sa kanilang suot, yun iba excited na at nagpapa picture pa.. meron din iba na parang di alam ang nangyyare sa paligid .. Tinitigan ko mga suot nila.. Walang ispesyal o naiiba sa kanilang gagawin iyon ang impresyon ko sa sarili..

Tutal wala naman akong gagawin sa bahay di na siguro masama ang mapanood ko ang kahit unang parte ng programa.. Kahit parang alam kong mejo maiinip ako sa aking mapapanood..

Nagsimulang magsalita ang mga emcee.. Masiglang masigla sila.. Nsa loob ko pilit lang nila pinasasaya ang pagsasalita para khit papano mabigyang buhay ang boring na programa nila.. Alam naman ng lahat na prang wala lang un gagawin nila dun..

Tumambad sa akin ang inaasahan kong mapapanood n mga special child.. Di alam ang gagawin.. Mayroong kung saan saan lumalakad.. Un isa ay natutuwa sa reaksyon ng tao.. Meron din namang nahihiya.. Karamihan inaalalayan pa ng volunteer na makaikot sa stage..

Ngunit ang nakikita ng aking mata ay iba sa nararamdaman ng aking puso.. Kinurot nito ang aking kalooban..

Tinagalan ko pa ang panonood s plaza.. Pinagtitiyagaan ng aking mata pero pilit pumapaibabaw ang sinasabi ng aking damdamin.. Ang kanilang galaw na karaniwang aasahang kilos ng isang special child ay iba ang kahulugan sa aking puso.. Ang kakatuwa nilang galaw ay halos kayang unawain ng aking dibdib.. Lumayo ako sa aking unang sarili.. Biglang nangibabaw sa akin ang kakaibang impresyon na hindi ko inaasahang maramdman bago ako pumunta sa plaza.. Bagkus na maawa isa ang aking napatunayan - respeto at paghanga..

Npatunayan kong Normal tayo s mga pisikal n aspeto pero pgdating s emosyonal n katayuan di tayo naiiba sa kanila.. Tulad nila kung meron s ating "normal" n malakas ang loob humarap s tao at ang iba ay takot lumakad man lng s entablado ganon din silang kung tawagin ng iba'y "abnormal".. Nakita ko ang aking sarili n hindi iba sa kanilang emosyon.. Nkkaramdam din sila ng kaba, takot, saya, hiya o gulat.. At lhat ng iyon npatunayan ko s minsang gabi n pinanood ko rumampa ang mga batang ito s harap ng mga tao s paete..

Binago ng mga batang ito ang pagkakilala ko sa nakakahong pagtingin sa kanila.. Dapat pa rin ba silang tawaging abnormal kung gayong di sila nalalayo sa ating aspetong emosyonal? Sapat ba silang kaawaan na lamang at huwag pahalagahan?

Hindi sapat na husgahan sila sa kanilang kakulangan sa pisikal at kaisipan na kalagayan.. Bagkus laliman pa natin ang ating pagkilala sa kanila at nararapat lamang n tuklasin kung ano ang dapat nating pahalagahan at pagyamanin nilang natatanging talento at kakayahan..


Sent from my iPhone

1 comment:

ivy rosales said...

xa po gumawa nito sir?? nice..haha..kainspire po..

Your Horroscope